Tula: Sa Isang Sulok
Sa 'sang sulok ng madilim at malamig na kwarto,
Ako'y nakatabon sa matingkad na kulay na kulambo,
Habang nakahiga na walang suut na damit panghitaas,
Mga matang pungay sa gabi-gabing pagluha ng wagas,
Animo'y wala ng bukas na darating pa sa buhay,
Ng dahil sa pagdurog nito ng taong inaasam habangbuhay.
Mga brasong sugat-sugat ng dahil sa blade na gamit,
Nagsituyoan na mga dugo sa nagkalat na mga damit,
Na syang pinagpapahid sa mga sugat na ikaw rin ang may gawa,
Sa kadahilanang gusto ka nang magpatiwakal pagkat kay sawa na,
Sawang-sawa na sa palaging pananakit sa iyo ng mahal mo,
Doon na sa iba sumama at sa ibang lugar nagpunta para mapalayo,
Upang sa kamunduhang aliw sila'y magpakabusog sa tuwina,
Pagkat sa piling mo di na sya nakaramdam ng ligaya pa.
Sobrang sakit ang nadarama ng puso mo'ng di lang sugatan,
Kundi durog na durog na sa kanilang mga kagagawang kamunduhan,
Noong minsan naaktuhan mo pang sa silid mo sila nagkasaluhan,
At nang sila'y sinigawan mo'y animo'y wala silang pakialam,
Kasi alam nila na ikaw ay sobrang mapagmahal at di sila kayang saktan,
Kaya minabuti mo nalang na lumabas at umiyak sa labas ng inyong tahanan,
Hanggang silay natapos at ikaw ay naiwang luhaan at puso'y durog at sugatan.
Post a Comment