Tula: Pasapit na ang Pasko
Sarap damhin ang simoy ng malamig na hangin,
Mga ngiting kay sigla sa bawat isa nagnininging,
Sing kislap sa mga bituin sa langit ang bigay man din,
Tila problema'y nilulusay sa paskong darating.
Bawat isa'y abala na sa paghahahanda sa bawat tahanan,
Kahit Septiyembre pa, mga palamuti inihanda't nililinisan,
Ang iba'y nakasabit na sa dinging mga palamuting kumukutikutitap,
Na sa mga nagdaraan ay nagbibigay ng saya at galak.
Malayong mga kapamilya ay eksayted na rin sa pag-uwi,
Nakahanda narin kasi mga nakabalot ng pamasko na ipamamahagi,
Mga bata'y nagkakandarapa narin sa paglilista ng mga gusto nila,
Para sa mga ninong at ninang na hihilingin nila sana ay mapasama.
Mga kapitbahay na di maganda ang pakikitungo sa bawat isa,
Unti-unting nagkalapit at nagkakamagandahan na ang pagsasama,
Mga kaibigan ay abala narin sa mga plano nilang mga gala,
Sa mga kalapit na bayan kasi mga kasiyahan ay nakahanda na.
Tuwing kapaskuhan talagang may dalang kasiyahan sa bawat nilalang,
Kahit ano paman ang estado nang iyong pamumuhay at estadong nakamtan,
Walang pinipili ang dalang kasiyahan ng paskong papalapit,
May asawa, single, may nobyo or nobya ka or galing sa hiwalayan ang sinapit,
Mapabata kaman, may edad or matanda ka man ay ok lang yan,
Pagka't ang Pasko ay para sa lahat yan mapahayop or ano kaman na klaseng nilalang.
Post a Comment